*units of freakin' hell paid for [and to think, kulang pa yan, di ko pa nakuha major ko.]
kanina ko lang napagtanto na ang panget pala ng sched ko. walang break na matino, kakarampot na travelling time from math to AS. old NIP to arc range [assuming na makakakuha ako ng pasukan through add mat, san nga pala yung arc range?]. pwede sana ako magkaroon ng 11.3o-1.oo na break kaso tamad ako pumasok ng 7.3o. hahaha. layo kaya ng makati. hahaha.
EDIT (o6.o7.o9, 1o.55 am)
ETO NA YUNG MAS MAIKSING VERSION NG LAHAT NG NASA BABA. TAMAD NIYO MAGBASA E. HAHA. JOKING. [gelo, gaya-gaya ako noh?]
o6.o3:
*pumila sa maling pila [pila ng CE]
*somehow, nakahanap din ng paraan kung pano pupunta sa pila ng ChE
*pumila for almost 2 hours, only to find out na inelige ako
*tanong lang kung ano requirements tapos uwi na
*walang napala
o6.o4:
*nagpasa ng requirements sa vinzons
*naghintay ng clearance form at COG
*sinamahan si mante sa enlistment sa math
*naabutan ng suspension ng registration
*di rin nakuha yung clearance form
*nilibre na lang ni mante. :D
*wala uli napala
o6.o5:
*hintay ng clearance form
*kuha form 5a
*pre-advising [sir yap!]
*library clearance
*validation [di ko matandaan kung ano nauna sa post-advising at validation. haha]
*post-advising [ang fun talaga ni sir yap. haha.]
*pastamp ng stfap
*assessment
*bayad
*uwi ng happy. :D
NOBELA VERSION
maksci, mamimiss ko kayo. hahaha. andrama. kasi naman, sanay na ko na may tambay hours para makapagpusoy dos, tong-its, lahat na. ngayon lang ako hindi nagkaroon ng magandang break. oh well. basta pag may time, sa main lib tambayan pa rin ah. :D
hahaha. pagdating ko sa engg, hinanap ko agad yung end ng line sa tapat ng ChE dept. wala kong makitang dulo. akyat ng stairs, umabot ata ako ng 3rd floor. grabeng pila. tapos napansin ko na wala ata akong kakilala sa pila. pumasok na bigla sa isip ko na sa iba ako nakapila. shet shet shet. nakita ko pa na pumila yung kaklase ko sa yoga na CE. oh no. nag-iisip ako ng paraan kung pano aalis sa pila ng hindi nahahalata. hahaha. nakakahiya. naka-30 minutes ako kakaiisip kung anong diskarte gagawin ko. hahaha. ayun, dumating si king, tapos pumila siya dun sa kabila. pupuntahan ko na sana siya kaso bigla akong kinausap nung nasa harap ko. pasave daw ng pwesto niya kasi punta daw muna siya ng CR. oo naman ako. tapos sinabi ko dun sa nasa likod ko na pag bumalik yung nasa harap ko, papilahin niya. haha. sabay escape papunta kay king. kunwari usap-usap tapos di na ko bumalik dun sa pila ng CE. hiyang-hiya talaga ko. katangahan. haha. tagal din ng pinila ko dun sa ChE. daldalan na lang kami ni king. 8.3o ako pumila. mga 1o.3o ata nung napadpad kami sa harap ng pila. kinuha yung ID naman. tapos lumabas yung RA. "sino si michelle angeles?" taas naman akong kamay. "inelig ka daw." wtf. !@#$%^& talagang ineligibility yan e. dagdag aasikasuhin pa. alam mo yung feeling na nasa harap ka na ng pila tapos di pala pwede. shet lang. LESSON LEARNED: next time, icheck muna kung eligible ba mag-enroll. wala ko napala nung araw na yun. tinanong ko lang kung ano kelangan para maging eligible na ko. eh nasa bahay pa yung kelangan nila, kaya umuwi na lang ako.
next day, bumalik ako sa engg para maayos na at makuha ko na form 5a ko. takte, ipapastamp ko pa daw sa vinzon's yun. bakit kaya di niya sinabi kahapon? bwiset. e di sana sa vinzon's na lang ako bumaba. nung matapos na ko magpastamp, balik engg para magpasa sa eligibility, saka request for COG. tinext ko muna si mante kasi tinatamad ako maghintay mag-isa. nasa math daw siya. punta naman ako, habang naglalakad inabutan ng ambon. dahil nakajacket naman ako, di na ko nagbukas ng payong, kung kelan malapit na ko sa FC, biglang bumagyo. nabasa tuloy ako. hahaha. pagdating sa math, hinanap ko agad si mante. bitch ka mante di ka agad nagrereply. hahaha. nasa 3rd floor daw siya. haba pala ng pila para sa math subjs. laking pasalamat ko na nakakuha ako ng math 54 first batch run pa lang. mukhang matatagalan pa kaya tambay muna ko sa 2nd floor. biglang nawalan ng kuryente. kaya pala may nakita akong parang tinamaan ng kidlat out the window. grabe. bumaba sila mante. babalik na lang daw sila mamaya. sumama na din sila jhoanne. sinamahan ko sila papuntang EEE. biglang nagkakuryente. balik uli math. tapos biglang inannounce na suspended yung registration. hai. wala din sila napala. punta kaming engg baka sakaling andun na yung clearance saka COG ko. wala pa yung clearance pero andun na yung COG. kaso inabutan kami ng lunch time. hintay kami hanggang 1. tapos suspended din daw yung releasing ng forms. badtrip. niyaya namin si birthday boy (mante) na ilibre kami. after ng sandaling pamimilit, pumayag din siya. punta kaming SC [kung saan sabi ni jason inisnab ko daw siya] para makasakay papuntang trinoma. hirap sumakay grabe. mga 2.3o na nung nakasakay kami. hahaha. 3.oo na nung naglunch kami. thanks mante! umuwi ko ng bahay na sawi na naman sa enrolment.
supposedly last day na ng registration. pinatawag ko muna si mama sa UP para malaman kung tuloy na yung registration. sayang nga naman kung pupunta kong UP tapos wala pala ko mapapala. hahaha. dumating akong UP around 8.oo. di pa nagsastart magrelease ng forms. tapos wala pa din yung name ko sa clearance. siomai. hintay uli. may dinagdag na name sa list yung RA. yehey andun name ko. kuha agad ng form 5a. ang saya walang pila. pre-advise. ang cool ni sir yap. sana maging prof ko siya someday. library clearance. validate. tapos post-advise. sana si sir yap lagi adviser ko. hahahaha. puntang vinzon's para sa stfap. balik engg para pa-assess. tinext ko si papa na kita na lang kami sa tapat ng PNB para makapagbayad na ko. siya na pumila. by 12.3o tapos na ko! yay yay yay! :D
so far, eto na pinakahassle na registration ko. hindi naman sana talaga siya hassle kung di ako na-inelig. haha. next sem, pag kumpleto na subjs ko, third day na ko magpapaenroll. para hassle-free.
sa eng 12 lang ako walang kilala na classmate.
math 54: biboy, jason
physics 72: king
cwts: mante, ian, alyssa
chem 28: yen, marlowe
chem 28.: marlowe
physics 72.1: kiert, king
pe [kung matatanggap]: mante
16 pa pala pasukan. mas tatamarin tuloy ako pumasok. hahahaha. XD